Air21 Blog Posts

AIR21 Holdings Inc. Chairman’s Message to Clients

By admin on September 5th, 2022

 

2 Setyembre 2022

Sa aming mga Kliyente at mga Partner, 

Ikinagagalak naming ianunsyo na noong 30 Agosto 2022, matagumpay ng napirmahan namin ng aking may bahay na si Mrs. Sylvia Lina ang acquisition ng AC Logistics ang 60% interest ng AIR21 Holdings, Inc. Isang napakahalagang tagumpay na maging partner ang Ayala Group, isa sa mga pinakamatatag at mapagkakatiwalaang organisasyon sa Pilipinas. 

Kasama ang AC Logistics, ibinabahagi namin ang pangarap na maging pinakamahusay at respetadong end-to-end supply chain solutions provider, na naghahandog ng best-in-class customer care and value at kasama ang pinaka-epektibo, malikhain, hi tech na may kasamang pangangalaga sa ating mundo.  Sa pinagsamang lakas ng Ayala Group at expertise sa logistics and waste management, tayo ay taos noo na tutupad sa pangarap na ito na makapaglingkod sa inyo at sa ating bayan.  

Ang press release na kaakibat ng sulat na ito ay magbibigay detalye sa acquisition.

Kaming lahat sa Lina Group of Companies ay nagpapasalamat sa inyong suporta sa loob ng 43 taon.  Naandito kami ngayon dahil sa inyong pagtangkilik at pagiging tapat na kaibigan. 

Bilang Chairman ng AIR21 Holdings Inc. o AHI, mananatili pa rin po akong pinuno ng 8 kumpanyang kabilang sa AHI portfolio. 

Maliban sa pagsasaayos ng financial at legal structures ng mga kumpanya, ang lahat ay business as usual pagdating sa pamamalakad ng mga kumpanya.  Lahat ng mga kontrata at pinagkasunduan ay mananatiling epektibo.  

Kami po ay tuluy-tuloy na tutugon na makapagbigay ng marangal at epektibong serbisyo kasama ang ating bagong partner.  Ang kinabukasan ng Philippine logistics ay lalong magiging kagalakgalak! 

 

 

Sumasainyo, 

 

 

ALBERTO D. LINA

Chairman 

AIR21 Holdings Inc.

 

No Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *